Showing posts with label wonderings. Show all posts
Showing posts with label wonderings. Show all posts

Thursday, February 11, 2010

Agape



ang mabuhay para magmahal...


ang magmahal kahit hindi suklian...

ang magmahal kahit na nasasaktan...

ang magmahal na walang hinihintay na kapalit...

ang magmahal ng hindi nagmamahal sayo...

ang magmahal ng hindi karapatdapat na mahalin...

ang magmahal at kalimutan ang sarili...

ang magmahal at magsakripisyo...

ang magmahal at mamatay dahil sa pagmamahal...




ang post na ito ay ang sagot ko sa tanong ni Lord CM na

Ang Mabuhay Upang Makapagmahal



Agape love is unconditional love. It is always giving and impossible to take or be a taker. This form of love is totally selfless and does not change whether the love given is returned or not. This is the original and only true form of love.
This is the ultimate kind of love.
This is the love of God.

This love month of February, nobody is 'loveless'.
Remember, you are loved by Someone.
We are an unlovable lot, but He love us still.
Isn't it amazing!?



He loves me so much He died for me.
He loves you so much He died for you.


Tuesday, November 3, 2009

Pacquiao vs Cotto




When it comes to boxing, especially if it involves the People’s Champ, Manny “Pacman” Pacquiao, everybody has his own opinions. Kahit saan – sa kalsada, palengke, opisina, eskwelahan, at barberya, at kahit sino pa ang iyong tanungin – drivers, tambay, tindero’t tindera, executives, studyante, barbero, lahat ay may sariling kuro-kuro sa nalalapit na laban ng Pambansang Kamao ng Pilipinas at ng Puerto Rican champion na si Miguel Cotto sa November 14 (Nov. 15, Pilipinas time). Sa mga pustahan, llamado pa si Pacman, kahit na sya ang mas maliit sa kanilang dalawa.


Dito sa office, hindi na pinag-uusapan kung sino ang mananalo sa sagupaan. Ang pinagpupustahan na lang ay kung hanggang saan tatagal si Cotto sa ibabaw ng lona.


Ganito ang sistema:

>Kung pupusta ka para kay Pacquiao, kelangan ay matalo na nya si Cotto sa ilalim lamang ng 6 rounds.

>At kung sa kabila ka naman susugal, kelangan ay tumagal si Cotto ng higit sa 6 rounds para manalo.


Kumbaga eh, sure-win na si Pacman! Ganon?!



Marami ang pwedeng maging dahilan ng pagkatalo at panalo ng dalawang boksingero. Inilista ko dito ang posibleng maging reasons. Note: eto ay personal na opinion ko lamang…wag seryosohin.


Why Cotto will win?

- Masyadong naging busy si Manny sa mga movies, tv advertisements at commercials. Pati na rin sa pulitika.

- Cotto is bigger, stronger.

- Pacman trained in Baguio and Manila, na di ayon sa gusto ni Coach Roach. Maraming distractions. May mga bagyo pang dumaan. Although he still has 2 weeks to train in Wild Card Gym, baka manibago sya.

- Cotto also is a pressure fighter and he has this ability to effectively trap or corner his opponents. Delikado dito si Pacman.

- Nasabi ko na ba na mas malaki at mas malakas si Cotto?

- Cotto has much to gain in this fight. Katulad din ni Pacman, marami syang gustong patunayan sa labang ito, matapos na matalo sya sa kauna-unahang pagkakataon sa kamay ni Margarito at sabihin ng marami na di na sya magiging katulad ng dati. Maaaring sya na ang tanghaling pound-for-pound king kung matalo nya dito si Pacman.



Why Pacquiao will win?

- This is Manny's destiny. Kung sakaling manalo sya laban kay Cotto, nakamit na nya ang di pa nararating ng ibang boksingero sa buong kasaysayan ng sports na ito – the only boxer to win 7 belts in 7 weight classes. Mabuti nga at ang isang phenomenon kagaya nya happened to be in our lifetime because Pacquiao is a rare kind of athlete.

- He’s faster than a speeding bullet (parang Superman!). Sabi nga ni Manong Security Guard na nakausap ko (isa ring self-proclaimed expert), of the whole arsenal Pacman has at his disposal, speed is his best weapon. Wala syang katulad sa bilis at ka-partner pa nito ang mataas na porsyento ng accuracy ng kanyang mga suntok.

- He has Freddie Roach, Trainer of the Year. Cotto would be like fighting two men.

- Mahina daw ang depensa ni Cotto. He is also prone to cuts. Cotto may go down bloody.

- Stamina. Cotto tend to go slow on later rounds. Samantalang si Pacman naka-Motolite, tested na pangmatagalan.

- Matapos ang mga kasiraan sa buhay at ari-arian na iniwan ng mga bagyong Ondoy at Pepeng sa ating bansa, kelangan naman natin ng break. (No, not Skyflakes o Kitkat) Kelangan naman nating maaliw, kahit sandali ay makalimot sa mga alalahanin sa buhay, mag-cheer hanggang sa mawalan ng boses, sumuntok sa hangin habang nanonood sa tv, hanggang sa tumaas ang blood pressure. Alam kong alam ito ni Manny. Kelangan ng mga kababayan nya ngayon ng isang inspirasyon, isang maliit na kislap ng pag-asa, at gagawin ng Pambansang Kamao ang lahat upang wag mabigo ang kapwa nya Pilipino.



Alam kong medyo bias ang article na to…eh Pinoy ako eh! (Kung Puerto Rican ako, then I will be rooting for the underdog Cotto..hehe)


Pero tulad nga ng kasabihang, “do not count your chickens before they hatch,” (lalo na kung di ka siguradong chicken…baka ducks ang lumabas) di tayo makasigurong magbubunyi ang sambayanang Pilipino sa Nov. 15. Sabi nga sa mga larong basketbol, “bilog ang bola” at sa patalastas ng Ginebra, “bilog ang mundo.” Marami ang pwedeng mangyari. Opo, posible pong matalo ang ating bayani. We can only pray.




Now, my own predictions for the outcome of the fight:

Pacquiao win via TKO on the 7th round with 7 seconds still remaining to claim his 7th title.



Whew! C’mon, everybody has a right to make his own predictions… and anyone can play boxing analyst paminsan-minsan! :D






kaw ba 'yan Bobby?

Monday, October 26, 2009

You Give Me The Kind of Feeling People Write Novels About 2





Nakita kita kanina.

Ngumiti ka.

Kaya napangiti rin ako.

Kahit na may kumurot sa puso.

Pasensya ka na.

Kung minsan ay umiiwas.

Gusto ko lang makalimutan.

Ang damdaming sa'yo ay naramdaman.

Akala ko madali lang.

Mali ako.

Hanggang ngayon, oo.

I still love you.

Masisisi mo ba ako?

Nahulog ako sa iyo.

Para akong tanga.

Umaasa, kahit na sinabi mong


"wag na."

. . .



Ngayon ay kelangan ko nang putulin 'tong tula.

Dahil nahihiya akong makita nila.

Basa na naman ang mga mata...







Waaah! Ang cheezy cheezy!


Wednesday, September 9, 2009

On Rainy Days and Newly-washed Converse


Naranasan mo na ba to?


Yung bang kung kelan mo isinuot ang iyong bagong labang sapatos, eh dun din sasama ang panahon at uulan?


Eto ba ang tinatawag nilang tadhana? O karma?


Minsan, di talaga maipaliwanag ang takbo ng buhay natin. May isang araw na sadyang halos lahat ng nangyayari ay hindi naaayon sa iyong kagustuhan. Para bang ang pagsuot ng bago mong labang sneakers na nataon sa panahong umuulan ng aso’t pusa (raining cats and dogs ba) ay hindi pa sapat, sapagkat sa pagbaybay mo sa eskinita, eh makakaapak ka pa ng iniwan ng mga kabarkada ng alaga mong si Spiky. Hindi ka rin makauwi sa inyo at makapagpalit dahil mali-late ka na.
Kanino bang law yon? Murphy? Morpheus? Na sabi nya, "Anything that can go wrong, will go wrong." How right you are, Morphling!


Parang nawalan ng saysay ang isang oras na pagtootbrush mo sa iyong sapatos na para lang kahit papano eh mabawasan ang pangungutim nito.

Tapos, ganon ganon lang?

Saklap noh?


Maaari pang ang mga pangyayaring ito ay magdulot ng pagguho ng mga pangarap, ng magandang relasyon ng bawat isa, pagkawasak ng pundasyon ng pamilya, ng pagbaba ng moralidad ng mga pipol. Maaari din itong maging huling hibla at maging dahilan ng pagpapatiwakal ng mga …uhmmm … mga emotionally weak.


...


...


...


OA na ba? Echuz noh? Sori… Kainis eh… Basa pati medyas ko. Kahiya namang maghubad ng sapatos sa loob ng office. Tiniis ko na lang. Kahit na may sound efx ang bawat hakbang ko. Squisshh, squissshh.


ang picture ng aking converse na kahit hindi na cute at muka nang battered wife eh palangga ko pa rin.





Tas nagcorrupt yung Windows ng pc. Kaya dito ako ngayon sa isang unknown na computer shop at nagpopost nito. Arrrggghhhh!!!