Wednesday, September 9, 2009

On Rainy Days and Newly-washed Converse


Naranasan mo na ba to?


Yung bang kung kelan mo isinuot ang iyong bagong labang sapatos, eh dun din sasama ang panahon at uulan?


Eto ba ang tinatawag nilang tadhana? O karma?


Minsan, di talaga maipaliwanag ang takbo ng buhay natin. May isang araw na sadyang halos lahat ng nangyayari ay hindi naaayon sa iyong kagustuhan. Para bang ang pagsuot ng bago mong labang sneakers na nataon sa panahong umuulan ng aso’t pusa (raining cats and dogs ba) ay hindi pa sapat, sapagkat sa pagbaybay mo sa eskinita, eh makakaapak ka pa ng iniwan ng mga kabarkada ng alaga mong si Spiky. Hindi ka rin makauwi sa inyo at makapagpalit dahil mali-late ka na.
Kanino bang law yon? Murphy? Morpheus? Na sabi nya, "Anything that can go wrong, will go wrong." How right you are, Morphling!


Parang nawalan ng saysay ang isang oras na pagtootbrush mo sa iyong sapatos na para lang kahit papano eh mabawasan ang pangungutim nito.

Tapos, ganon ganon lang?

Saklap noh?


Maaari pang ang mga pangyayaring ito ay magdulot ng pagguho ng mga pangarap, ng magandang relasyon ng bawat isa, pagkawasak ng pundasyon ng pamilya, ng pagbaba ng moralidad ng mga pipol. Maaari din itong maging huling hibla at maging dahilan ng pagpapatiwakal ng mga …uhmmm … mga emotionally weak.


...


...


...


OA na ba? Echuz noh? Sori… Kainis eh… Basa pati medyas ko. Kahiya namang maghubad ng sapatos sa loob ng office. Tiniis ko na lang. Kahit na may sound efx ang bawat hakbang ko. Squisshh, squissshh.


ang picture ng aking converse na kahit hindi na cute at muka nang battered wife eh palangga ko pa rin.





Tas nagcorrupt yung Windows ng pc. Kaya dito ako ngayon sa isang unknown na computer shop at nagpopost nito. Arrrggghhhh!!!

2 comments:

bonistation said...

haha yeys! ako lang ang mag cocomment!! kala ko tapos na ang kamalasan kay chucks mo,. bigla opang humabol ang windows pc corrupt!@ yihaaa saklap!!

ch!e said...

@bonistation
kahit sino naman siguro magwawala kung ganon ang mangyayari hehe