Showing posts with label short story. Show all posts
Showing posts with label short story. Show all posts

Sunday, February 28, 2010

A Bear's Love Story



May nakakuha na kay Noynoy. Pilit kong hinuli ang kanyang mga mata upang sa gayo’y kahit papano ay maipabatid ko ang aking pamamaalam, ngunit di na nya ako napansin sa sobra nyang pagkagiliw na makalabas. Isa sya sa mga nagsasawa na sa aming kinalalagyan at gustong-gusto nang makita ang kalawakan ng mundo sa labas. Sana ay alagaan sya nang mabuti ng magmamay-ari sa kanya. Kunsabagay, di naman sya mahirap magustuhan. Si Noynoy ay isang cute na Doraemon.


Ako naman ay bear. Hindi, hindi bear ang pangalan ko. Teddy bear ako at ang pangalan ko ay si Chi-chi. Kahit ako man ay gusto ring makaalis sa lugar na ‘to. May ilan sa mga kasama ko ditong laruan na ayaw. Di ko sila maintindihan. Marahil ay natatakot silang tuklasin ang malawak na mundo sa labas. O di kaya’y naging kuntento na sila sa kanilang mga kalagayan.

Nakaramdam ako ng konting inggit habang pinagmamasdan kong hawak-hawak si Noynoy ng nakakuha sa kanya. Gusto kong sumigaw ng, “Ako rin! Kunin nyo ko!” Pero naglaho ang pangarap na yon nang marinig kong sinabi, “Wala na kong pera Kuya Pet”, at “Tara na, Jo!” Para akong maiiyak, pero di yun possible, pagkat ang mga tulad namin ay walang lamang tubig sa aming mga bulak at telang katawan.

Sa totoo lang, marami na ring nagtangkang makuha ako. Siguro nga ay cute din ako. Ahmm, di nga lang ako masyadong sigurado. Ngunit sa bawat pagtatangka na makuha ako, kasunod ay ang pagkabigo, sa kanila at sa aking parte. Pero dahil din sa mga pagkabigo na ito, natutunan kong maging matatag, natutunan kong maghintay na mayroong pag-asa. Sapagkat ang bawat isa sa amin, alam ko, ay darating at darating din ang oras na mapili.

Nung araw na ‘yon, wala namang kakaiba. Medyo konti pa nga ang mga taong sumusubok ng kanilang kakayahan sa makina ng aming hawla. Pero napaka-espesyal ng araw na iyon. Yon ang araw ng kanyang pagdating sa buhay ko.

Sa di na mabilang na pagkakataon, gumalaw ang walang buhay na bakal sa itaas, pagkatapos ay bumaba ito upang pulutin ang hinirang na laruan. Sa pag-akyat nito ay makikita ang isang pink na teddy bear na mahigpit na kumakapit sa makina. Napangiti ako, sabay bugtong-hininga, “Buti pa sya. Maging masaya ka sana sa labas.” Pagdating ng kamay na bakal sa taas, hindi inaasahan ang biglang pag-uyog nito. Nakabitaw ang teddy bear. Mababanaag sa kanyang mukha ang di pagkapaniwala sa nangyayari habang sya ay nahuhulog. Bumagsak sya sakto sa aking harapan. Isa sya sa pinakamagandang bear na nakita ko. Walang pintas na mga tahi at mapupungay na perpektong mga mata. Ang mga naturang mata ay buong araw na nagmasid sa taas, inaasahan ang pagbalik ng kaisa-isang paraan upang makalabas sa kulungang plastik. Ngunit sya ay nabigo. Sa pagsara ng gusali pagsapit ng gabi, ang tanging maririnig na ingay sa kulungang plastik sa dilim ay ang mga tuyong hikbi.


“Hi!” bungad na bati ko sa kanya kinabukasan.


“H…hi din,” mahiyain nyang sagot.

“First time mo?” pangiti kong tanong.

“Ha?”

“Okey lang yan. Ako nga makailang beses na rin na muntik-muntikan na. Hahaha! Wag kang mag-alala, darating din ang araw mo.”

Napangiti ko sya.

“Ako nga pala si Chi-chi.”

“Ako si Kayla.”

Dito nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Lumipas ang mga araw at naging mas malapit kami sa isa’t isa. Nadiskubre kong isa syang masayahing laruan. Tinuruan ko sya kung pano pagalawin ang kanyang ilong. Napakahirap nyang turuan pero masaya. Palagi kaming nagkwekwentuhan at madalas ay napag-uusapan namin kung gaano kalawak at kaganda ang mundo at kung anu-ano ang mga balak gawin ng bawat isa sa kanyang paglabas. Lahat ng gusto naming gawin, pagkatapos ay magtatawanan kami sa aming mga naiisip.

“Ang gusto ko sana, paglabas ko, kasama kita. Tapos, gagawin natin ang lahat ng pinapangarap nating gawin sa labas na magkasama,” minsan isang araw nasabi nya. Napatitig ako sa kanya at napaisip, Ano nga naman ang silbi ng mga pangarap kung wala ka namang kasama upang ibahagi ito. Hindi ba mas masaya kung kasama mo, kahit san man kayo mapunta, ang minamahal at nagmamahal sayo? “Ipangako natin sa isa’t isa na magkasama pa rin tayo paglabas natin!” nakangiting sabi ko.

Akala ko, di na matatapos ang mga araw. Akala ko ay habambuhay na kaming magsasama dito sa loob ng aming maliit na mundo. Isang mundo na napapaligiran ng mga batang naghahabulan, maiingay na mga makina, at nagkakalansingang mga barya. Minsan nahiling ko sa Lumikha ng Lahat na sana tumigil na lang ang oras. Ngunit madalas din na sadyang masakit ang mga paraan ng tadhana.

Nangyari yon isang araw, sa gitna ng isa na naman sanang masayang kwentuhan naming dalawa.

“Yan Daddy! Sya yung gusto ko!” narinig kong tinig ng isang batang babae.

Di ko iyon masyadong pinansin, subalit ilang saglit pa ay naramdaman ko ang yakap ng mga brasong metal sa aking malambot na katawan. Napatingin ako saglit kay Kayla sa aking pagkagulat. Pilit ko syang inabot upang isama habang ako’y binubuhat paitaas ng makina, ngunit sobrang mabilis ang mga pangyayari.

“Chi-chi...” Malungkot at nanghihina nyang pagtawag, “Chi-chi!”

“Kayla!” sigaw ko. Sinubukan kong magpumiglas pero wala akong magawa sa mahigpit na pagkakayakap sa kin.

“Kayla!... Kayla!... Kayla!” Ilang ulit ko pang pagsigaw sa ngalan nya. Sigaw na di narinig ninuman. Sigaw na nilamon ng ingay ng mundong dati ay pinangarap.

Ang sabi nila, ang mga katulad namin ay imposibleng lumuha. Di kami katulad ng mga tao. Pero ano itong tubig na mula sa aking mga mata? na bumabasa sa aking braso? Ano itong paninikip ng dibdib na nararamdaman ko?

Sa mga lumipas na mga araw, di sya nawala sa isip ko. Nakikita ko pa rin sya at sa kanyang mga mata ang sakit ng isang iniwan habang ako ay papalayo. Sana ay mapatawad nya ako. Di ko natupad ang pangako namin sa isa’t isa.

Maganda sa labas. Sobra pa sa aming mga imahinasyon. Ngunit napakalungkot. Dahil wala sya.

Naging paborito akong laruan ni Nikka, ang batang nagmamay-ari sa akin ngayon. Palagi nya akong tinatabi sa kanyang pagtulog at ako lang ang stuffed toy nyang di pinapalapitan sa kanyang alagang tuta. Kinakausap nya rin ako minsan. Sumasagot din ako pero di naman yata nya naririnig. Minsan natanong nya sa 'kin, “Bat ka ba malungkot? Ahay…”


“Nikka! May pasalubong ako,” narinig kong tawag kay Nikka isang hapon. Hawak ako, patakbo syang pumunta sa sala. Iniupo nya ako sa sofa.


“Wow! Ang cute nya. Haha! Weeh! Thanks Daddy!”

Itinabi ni Nikka sa akin sa sofa ang pasalubong sa kanya.

“Ayan! Di ka na malulungkot. May kasama ka na ngayon!” natutuwang sabi ng bata sa akin.

Ang mga mapupungay na mga mata na huli kong nakita na puno ng kalungkutan ay puno ngayon ng saya. Siya ang pinakamagandang teddy bear na nakilala ko. Di ko malilimutan ang pinakamatamis na ngiti sa buong mundo na nagmula sa kanyang mga labing sinulid.

“Hi Chi-chi,” bati nya.

Hinding-hindi na kaming muli maghihiwalay.




Naniniwala ka ba sa destiny?


Ako…oo.





*chi-chi


Thursday, October 8, 2009

Joyce


May nauna na sa front seat. Nanghihinayang kong nakita pagkababa ko sa tricycle. Nakapwesto na ang driver sa kanyang upuan, senyales na malapit nang lumarga ang bus.


“’Nang, meron na dito?” tanong ko sa aleng nakaupo sa likod ng front seat.


“Owa ‘to” sabi nya, sabay urong malapit sa bintana. “Sa Balete man lang ako.”


Sa totoo lang, mas gusto ko sana sa front seat na okupado ngayon ng isang ina at tatlo nyang maliliit na anak. Kapag hindi ko nakikita ang kalsadang dinaraanan ng sasakyan, mas madali akong mahilo sa biyahe. Pero ok na rin ako sa kinauupuan ko. Kita naman ang kalsada, at tutal, isang oras lang ang Altavas. Pagsapit ng alas-nuebe, umalis na ang Ceres Liner sa terminal.












Ikinabit ko ang aking earphones at pinatugtog ang Up Dharma Down.


Gaano na nga ba katagal mula ng huli akong dumalaw kina Anti Nita sa Altavas? Lima? Anim na buwan? Sobra pa yata. Kung di pa bumigay si Uncle Akling sa kanser sa atay nung isang lingo di pa ako uli makakabalik sa kanila. Nauna na kahapon pa sila Ma, Pa, Mac at Pet, kaya mag-isa ako ngayon. Mamayang hapon pa naman ang libing, pero mas maganda na rin daw na maaga akong dumating upang makisalamuha sa mga kamag-anak naming agad-agad ko namang nakakalimutan ang mga pangalan.


Sa may bandang Libas, sa bayan ng Banga, biglang umarangkada ang bus upang mag-overtake sa isang pampasaherong dyip na hanggang bubong ang sakay.



Sabay naman ang pagsulpot ng isang matuling motorsiklo na mula sa feeder road sa kaliwa.



Nanlaki ang mga mata ng lalaking driver nang makita ang paparating na dambuhalang sasakyan. Hindi nya inaasahan ang panganib na magmumula sa kanyang kanan. Gulat na gulat naman ang angkas nyang babae.


Sinubukang kabigin ng driver ang Ceres habang nakaapak sa preno ngunit sadyang napakalaki ng bus at di maiiwasan ang nakaambang aksidente.


Isang matining na sigaw mula sa nanay na nakaupo sa front seat.


Hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko ang sensasyon nang gulungan ng bus ang alam kong malambot na katawan ng tao.



Bumaba ako ng bus at dumagdag sa lumalaking bilang ng mga taong nag-usyuso. Nasulyapan ko ang dugong kumulay ng pula sa sementadong kalsada.



“Chie!”


Napalingon ako upang hanapin ang pinanggalingan ng pagtawag at nakita ko ang isang babaeng medyo kilala ko. Medyo, dahil hindi ko matandaan ang kanyang pangalan. Naging classmates kami sa ilang mga subjects nung college. Maganda sya at maputi. Mababa lang sya, cute. Ang alam ko malapit lang dito ang bahay nila.


“Uy, kaw pala” nasabi ko na lang habang tinatanong ang sarili ng, ‘No na nga ba pangalan ng babaeng ‘to?


Isa talaga ‘to sa mga weakness ko. Mahina ang memory ko sa mga tao, na di katulad pagdating sa mga lugar na kung saan halos meron akong photographic memory.


“Sakay ka ng Ceres?” tanong nya.


“Oo,” sagot ko habang binaling muli ang atensyon sa mga nadisgrasya. Tumiin upang makakita sa ibabaw ng mga ulo ng mga kapwa miron.


“Sueang kamo it ambulansya. Dali!” sigaw ng isa sa mga taong unang nakalapit sa tabi ng isang nakabulagtang katawan.


Nakita ko ang lalaking nagmaneho ng motorsiklo. Nakakatayo ito at mukhang maayos naman ang kanyang lagay maliban sa mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Tulala sya at parang di pa rin lubos na maintindihan ang mga nangyari. Palagay ko ay tumilapon sya sa nangyaring banggaan. Samantalang, ibang kapalaran naman ang sinapit ng kasama niyang babae. Pumailalim sya sa bus kanina.


“Nakita mo ba yung nangyari?” tanong ko sa dati kong classmate habang nakikipag-gitgitan sa kumakapal na usisero.


“Hindi eh. Nagmamadali kasi kami ni Manong. Pupunta kaming Kalibo, naospital kasi yung bunso naming kapatid.”


Wala akong interes sa morbid na mga bagay. Natural na curiosity lang naman ang nagtulak sa akin. Ni hindi ko rin nga naisip na kumuha ng picture o video gamit ang cellphone katulad ng ginagawa ng ilang taong nandun. Pero nang makalapit na ako at makita ang kalumos-lumos na sinapit ng babae, sana di na lang ako nagpumilit at nakipagsiksikan. Mas mabuti nga at nakabaling ang ulo nya sa kabila at hindi ko nakita ang kanyang mukha. Kung nakita ko ay malamang na sumagi pa ito sa mga panaginip ko. Sigurado akong patay na sya. Walang sinuman ang mabubuhay sa ganoong klaseng kalagayan.


“Ginoo ko! Ginoo ko!” iyak ng isang matandang babae na kararating lang. Nagbigay-daan ang ilang tao upang sya ay makadaan. “Siin eon du ambulansya? Ginoo ko! Hindi guid, hindi guid! Maeuoy ka!”



“Manong! Ano ro natabo?”


Nabigla ako sa pagsigaw sa aking tabi.


“’Nong!” tawag nya ulit sa lalaking nadisgrasya. Mukhang di sya naririnig nito dahil tulala pa rin, kahit nangingilid ang luha sa mga mata.


Nagsimula syang lumapit sa kanyang Kuya ngunit bigla syang napahinto.


“Ma?”


Halos himatayin na sa kakaiyak ang matandang babae. Lumuhod sya sa tabi ng walang-buhay na anak. Hindi nya ito mahawakan na para bang takot na matabing ang mga sugat at lalo pang masaktan ang anak.


“Ma!” tawag nyang muli.


Bigla syang natigilan. Matagal na pinagmasdan ang duguang babae.


Nawalan ng kulay ang kanyang magandang mukha.



Tumingin sya sa akin, nanginginig ang mga labi, at nagsabing, “Ako sya.”



“Ha?”


Sa mga sandaling yon, dun ko napansin ang pagkakahawig nila ng nakahandusay na babae sa kalsada – sa katawan, at pati na rin sa kasuutan. Pareho silang naka-maong na pantalon at dilaw na t-shirt. Nagkulay-maroon na nga lang ang malaking bahagi ng damit ng isang babae dahil sa dugo.



“Ako sya!”



Kinilabutan ako sa mga salitang yon.


“Ako sya!” ulit nya. “Ma, dito ako. Hindi ako yan Ma!”


Ngunit para bang walang ibang nakarinig.


“Hindi ako yan!”


Nagmamadali syang umalis.



“Hindi ako patay!”



Hindi sya napansin nang dumaan sya palabas ng grupo ng mga nagsisiksikang usisero. Animo’y usok ang kanyang katawan, samantalang ako ay muling nakipag-gitgitan.


Lumingon sya bigla at ako’y tinitigan, “Hindi ako yun,” pagmamakaawa nya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin.


Sa huling pagkakataon, tumingin sya sa kumpon ng mga taong nakapaligid sa kanyang ina, kuya, at sa kanyang bangkay. Kasing kulay ng dugo sa semento ang kanyang luha. May dugo ring dumaloy sa gilid ng kanyang mga labi. Di nya ito alintana. Tumakbo sya papalayo, marahil upang takasan ang katotohanan.


Ilang sandali pa ay naglaho sya sa hangin. Ang babaeng ako lang ang nakakita.



“Joyce, anak ko! Huhuhu!” panaghoy ng isang ina.



Naalala ko na ang pangalan nya.





Wednesday, September 9, 2009

On Rainy Days and Newly-washed Converse


Naranasan mo na ba to?


Yung bang kung kelan mo isinuot ang iyong bagong labang sapatos, eh dun din sasama ang panahon at uulan?


Eto ba ang tinatawag nilang tadhana? O karma?


Minsan, di talaga maipaliwanag ang takbo ng buhay natin. May isang araw na sadyang halos lahat ng nangyayari ay hindi naaayon sa iyong kagustuhan. Para bang ang pagsuot ng bago mong labang sneakers na nataon sa panahong umuulan ng aso’t pusa (raining cats and dogs ba) ay hindi pa sapat, sapagkat sa pagbaybay mo sa eskinita, eh makakaapak ka pa ng iniwan ng mga kabarkada ng alaga mong si Spiky. Hindi ka rin makauwi sa inyo at makapagpalit dahil mali-late ka na.
Kanino bang law yon? Murphy? Morpheus? Na sabi nya, "Anything that can go wrong, will go wrong." How right you are, Morphling!


Parang nawalan ng saysay ang isang oras na pagtootbrush mo sa iyong sapatos na para lang kahit papano eh mabawasan ang pangungutim nito.

Tapos, ganon ganon lang?

Saklap noh?


Maaari pang ang mga pangyayaring ito ay magdulot ng pagguho ng mga pangarap, ng magandang relasyon ng bawat isa, pagkawasak ng pundasyon ng pamilya, ng pagbaba ng moralidad ng mga pipol. Maaari din itong maging huling hibla at maging dahilan ng pagpapatiwakal ng mga …uhmmm … mga emotionally weak.


...


...


...


OA na ba? Echuz noh? Sori… Kainis eh… Basa pati medyas ko. Kahiya namang maghubad ng sapatos sa loob ng office. Tiniis ko na lang. Kahit na may sound efx ang bawat hakbang ko. Squisshh, squissshh.


ang picture ng aking converse na kahit hindi na cute at muka nang battered wife eh palangga ko pa rin.





Tas nagcorrupt yung Windows ng pc. Kaya dito ako ngayon sa isang unknown na computer shop at nagpopost nito. Arrrggghhhh!!!

Tuesday, September 1, 2009

The Queen's Visit



The Queen is coming! This is why the Mayor had ordered the cleaning of its streets and alleyways a week before this fateful day. The air is a buzz of excitement with people coming and going and talking all at the same time. This is a big day for all of them!

The Mayor watched with squinted eyes, from the balcony of his regal home amongst the tattered shelters of his neighbors, all of the activity that surrounds him. He is also memorizing a speech that he will deliver, conveying his unwavering loyalty to the present regime, and also to ask for several favors. She was expected to arrive in the afternoon, but at high-noon, the people from all over the countryside were already waiting under the merciless heat.

After all, this may be just a single chance in their lifetime, to see in the flesh the one who they pay their taxes to. The powerful monarch of the land is going to pay them a visit! Many can’t believe it. Isn’t it exciting!? Theirs is one of the farthest towns in the whole kingdom, and yet the Queen had seen fit to waste her precious time and set foot in its dusty streets.

“She’s here! The Queen’s here!” shouted the town crier.

The people made way for the passing of the footmen, the Queen’s female entourage, and the knights in their steeds.

Finally, here comes the large carriage driven by the royal horses. After the dust settled down, she step down from the vehicle and waved her greeting to the people. Her subjects dutifully clapped their hands as if it she’d just performed an incredible feat. She was followed by the good Grand Duke of the province who accompanied her in the vehicle.

Physically, she doesn’t present such a striking presence, which has been mistaken by others in the past as an Achilles' heel. They’ve long since regretted the mistake. Her Excellency stands only 4 feet and 11 pulgadas. She looks old, with worry lines creasing her otherwise noble face. It is just one of the penalties of the demands and pressures of running a kingdom composed of more than 7,000 islands. Yet, it cannot be denied the power and influence of the short ruler. A simple wave of the scepter makes her court tremble, and a simple press of the ring into the soft wax for the seals of orders means poverty and prosperity for many. There had been numerous plans and attempts for dethroning her, but the Ice Queen, as some of the radicals began to call her, has consistently squelched these rebellions with military might.

The fat merchants, the skinny laborers, the tired farmers, the mothers with their crying children, the wealthy and the weary, the stout and the hungry, all brushed shoulders, vying for the best view.


The royalty made their way onto the improvised platform constructed yesterday by the Mayor’s hired servants. Shy-faced, unsmiling girls waved flaglets while some cast flower petals ahead of her feet as she walked.

A fixed smile was on the Queen’s mug. She’s wearing a simple white dress and a white cape. Some of the spectators climbed up their seats as she’s hard to see among the heads of others because of her small stature.

The soldiers surround her, creating a protective wall, which seems unnecessary since the people didn’t make any attempt to get too close. When the Queen was seated, the knights stood in strategically assigned positions in the midst of the crowd, not moving much, constantly scanning the faces of the natives for any threat.


The Mayor delivered his speech with much ardor, praising and telling how much the townspeople love her, pausing at the right moments for the applause, and then continuing after it died down. The Queen then ordered some of her soldiers to take out a box from the royal carriage. The heavy box is full of silver coins. The poorest peasants were instructed to line up and each bowed down low before Her Excellency and received the money.

Many went home happily that day. The mothers will buy rice and fish for their children, and cheap gin and tobacco for their husbands.


Then, as quickly as she had come, it was time for her to go. Once again, the soldiers surround her, this time raising their shields and some their spears, to defend her from their dirty hands and foul breaths as the peasants got more confident to draw nearer. Several got through and have shaken her hand and kissed her ring.

The Queen tried hard not to mind, projecting herself as a person of the masses. Some would have fallen on their knees and embraced her feet if not for the immediate reaction of the knights. She has taken off her cape because of the heat.

After much jostling, shoving, and pure manhandling, the Queen reached the sanctuary of the carriage.

The Grand Duke once again joined her aboard as he will be discussing some of the economic problems of the province with her.

The people soon went to their own homes.

The topic of conversation for the next week, no doubt, will be their personal encounter with the monarch. The images of that momentous day forever etched in their minds. However, almost nothing will change, the peasants will still continue to live in paucity, and the impact of the Queen’s visit to that sleepy town will be so trivial as insignificant.




PGMA's visit to Libacao, Aklan
8/7/09

Monday, August 17, 2009

Ging in Hospital


Ging was taken to the hospital because of flu… and pneumonia and urinary tract infection (there must be some mistake there but that’s what her chart says), and stomach aches, which I guess she got from taking too much Alaxan FR the day before (3 tablets in a day). I told her once is enough for her body pains but who listens to me anyway.


She’s always all smiles.



On evenings, she would complain about nurses who from time to time will check on her, take her BP and temperature, tinker with her IV, disturb her sleep, and generally make her stay miserable. I tried to explain to her that that’s what they do in hospitals, but like I said, who listens to me anyway.





Phet arrives at noon to take over some of the hospital duty.




We made sure the camera functions well in whatever circumstances.


Mr. Socket


Of Cokes and Oreos...


Tissue Boy


Ooops...i forgot. . .


What's this?. . .






. . .the inside of a Coke PET bottle.

. . .now you know!




light bulb po...



Well, we found out the camera works just fine.



The doctor pronounced her fit for hospital release and we’re homeward bound.






Back home…and my mother’s sister is as healthy as a horse like nothing’s happened.





Sleeping in that narrow couch in the hospital room for several nights proved to be detrimental to my health. I really missed my own bed. Tueog anay ko! zzzzzzzzzzzzzz!