Monday, February 8, 2010

Oh Angelina


Galing kaming New Washington at binabaybay namin ang Jaime Cardinal Sin Avenue pauwi ng Kalibo ng biglang...

fsssshhhhtttt!!!

Parang wala lang...
pero naflatan kami ng gulong.

Eh tatlo kasi kami sa motor, at ang bibigat pa namin.
Ang kulit kasi eh...sabi nang under pressure yung gulong pero pinilit pa rin.

Habang naghahanap at nagtatanong-tanong sa mga natives sa lugar kung san ang pinakamalapit na 'vulkitan', nakita ko ang creature na to sa kabila ng kalsada. At dahil sa mahilig akong magpipicture-picture kaya heto sya ngayon sa monitor ng computer.



Pero hindi dito nagtatapos ang kwento. Dahil sa maawain ako sa mga living organisms at ayaw ko syang iwan na naka-kadena, hiniling ko sa aking fairy god-lola, na matagal nang wala sa mundong ito na palayain ang living thing. Mabait ang aking fairy god-lola at ako ang paborito nyang apo kaya agad nyang pinagbigyan ang aking hiling. Hindi nya lang pinalaya ang life form, ginawa nya pa itong stuff toy kahit na hindi ko ito hiniling.

Ei naku si god-lola talaga, hindi marunong sumunod sa instructions. Well, hindi ko naman sya masisi, medyo bingi kasi sya ng konti.

Bawal ang mga unggoy, pati na rin ang mga taong-unggoy sa bahay. Magagalit si Nang Bebz, ang landlady namin. Kaya kinunan ko ng separate na apartment si Angelina
(after much consultation, eto ang pangalan na binigay sa monkey-monkey). Kumuha din ako ng yaya na mag-aalaga sa kanya. Medyo nai-spoiled na nga ang animal.

(may picture sana dito yung yaya ni Angelina, kaya lang ayaw magpakuha. arte-arte pa. ayaw nya di wag! hmph..)


O nga pala, bawal sa kanya ang saging. Sabi ng doctor meron syang contact allergy. May protein daw sa saging na ang tawag ay chitinase at nagre-react dito ang immune system ni Angelina at nagkakaron sya ng pimples at blackheads. tsk.


Favorite foods nya ngayon ang strawberries, choko-choko at adobong babuy.



11 comments:

Kosa said...

Ampogi naman ni Angelina!
sya ba yung nagsasabi ng;
you're such a losser kapamilYAYA?
hehe. peace

Lord CM said...

Hehehe :D Adobong baboy!sosyal! lolzz

DRAKE said...

Chie ikaw ba yung nasa piktyur...... na may hawak ng mangkok ng adobo??Hhehee

Dats may peyborit animal also!

Ingat

Jepoy said...

Ang kulet talagang may favorite food pa. :-D

khekz03 said...

sosyal = )

fickleinpink said...

unggoy na pinipimple! LOL aus ah!

mula ngayon, tagasubaybay mo na ako!

Come and visit me sometime!

have a great day!
xoxo,
Fickle
Red is in the air in Bagiuo City

Random Student said...

kakaibang tsonggo naman yan bawal ang saging hehe

ch!e said...

@Kosa
kapuso yata kasi si angelina. hehe

@Lord CM
uu...at sobra pang arte :D

ch!e said...

@Drake
hindi ako yun noh. hindi ako nagpopost ng pictures ko dito sa blog ko. lol :D

@Jepoy
LOL .haha

@khekz
follow na po kita :)

ch!e said...

@fickleinpink
i'll visit po. thanks! :)

@Random Student
hehe. at bawal din sa kanya ang maligo :D

bad_mj97 said...

Haha ang kulet!!!
Unggoy bawal ang saging??haha
Sige na nga bawal na maligo kasi mahirap syang mauyo LOL hahah!!!