a collection of pics, short stories and eccentricities of a guy named ch!e/ any similarities of characters and events to real life are not intentional and purely coincidental/ welcome to life as seen through his eyes/ welcome to his wonderings and wanderings.
1.Cute sya. I think everybody will agree that she’s really adorable. That little munchkin, sarap talaga nyang kurutin.
2.She’s humble and apologetic. She knows how to say “I…am…sorry.” At “I also regret taking so long to speak before you on this matter. I take full responsibility for my actions and to you and to all those good citizens who may have had their faith shaken by these events. I want to assure you that I have redoubled my efforts to serve the nation and earn your trust…” Oh ha?
3.She’s natural. What I mean is that she’s not really vain when it comes to her looks. Ni hindi nga sya gumagamit ng whitening products. {click mo to para makita mo!} And her breast implants? Medical necessity po yon. . . Basta medical necessity, tapus!
4.She was not affected by popularity surveys. E ano ngayon kung mag all-time low? Sabi nga nya eh, “performance is more important than popularity.” Survey survey, hmph…puro naman ka-echuzan yan.
5.Galante sya magpa-dinner. “What? Wine? Then let’s order some wine. Waiter, give my friends some wine here please… No, not Fundador, you fool! We want your most expensive ones.”
6.She doesn’t say bad words in public. Excerpt from SONA: “If you really want something done, just do it. Do it hard, do it well. Don’t pussyfoot. Don't pander. And don’t say bad words in public.” Kaya para sa kanyang mga kritiko, don’t say such things as “P#@ж\*¤φ:-)! Patayin ang Gloria-forever Cha-cha!” in a rally tulad ng isang presidentiable-turned-vice presidentiable-dahil nagparaya-kaya-nabadtrip-ang-kanyang-diva-reporter-gf. Pwede namang sabihin yon sa mas marahan na paraan, katulad ng: “Oh my golly shucks! Let’s kill this Gloria-churva-forever Cha-cha! Go!” (teka, ‘no ba ibig sabihin ng pander? at bakit parang bad ang sound ng pussyfoot?)
7.Wala syang nakakainis na political ads na may mga linyang, “Koo-mus-ta?... Anak, itabi mo. Ako na.” At may mga kantang, “Akala mo conyo yun pala mali, akala mo trapo yun pala laking-Tondo. Sige lang sandal ka lang…tiwniwniwniw.” (O baka hindi ko pa napapanood. La kaming cable eh.)
8.She’s a good economist.
Georgetown University, 1964-66, AB Economics; Dean’s Lister
Assumption College, 1968, AB Economics Magna cum Laude
Ateneo de Manila University, 1978, MA Economics
UP School of Economics, 1985, Ph.D. in Economics
Tsinghua University, 2001, Doctorate Degree in Economics, honoris causa
Magaling syang humawak ng pera. Kaya nga lumobo ang yaman ng pamilya nila di ba?
9.Dagdag mo pa na she has a very supportive husband in the person of Atty. Jose Miguel Tuason Arroyo.
10.She was not convicted of plunder. Well, not yet anyway.
. . .
Ahmmm… ’no pa ba?
Hanggang dito na lang muna at baka sumakit pa ang ulo ko sa kakaisip ng iba pang risons.
May nauna na sa front seat. Nanghihinayang kong nakita pagkababa ko sa tricycle. Nakapwesto na ang driver sa kanyang upuan, senyales na malapit nang lumarga ang bus.
“’Nang, meron na dito?” tanong ko sa aleng nakaupo sa likod ng front seat.
“Owa ‘to” sabi nya, sabay urong malapit sa bintana. “Sa Balete man lang ako.”
Sa totoo lang, mas gusto ko sana sa front seat na okupado ngayon ng isang ina at tatlo nyang maliliit na anak. Kapag hindi ko nakikita ang kalsadang dinaraanan ng sasakyan, mas madali akong mahilo sa biyahe. Pero ok na rin ako sa kinauupuan ko. Kita naman ang kalsada, at tutal, isang oras lang ang Altavas. Pagsapit ng alas-nuebe, umalis na ang Ceres Liner sa terminal.
Ikinabit ko ang aking earphones at pinatugtog ang Up Dharma Down.
Gaano na nga ba katagal mula ng huli akong dumalaw kina Anti Nita sa Altavas? Lima? Anim na buwan? Sobra pa yata. Kung di pa bumigay si Uncle Akling sa kanser sa atay nung isang lingo di pa ako uli makakabalik sa kanila. Nauna na kahapon pa sila Ma, Pa, Macat Pet, kaya mag-isa ako ngayon. Mamayang hapon pa naman ang libing, pero mas maganda na rin daw na maaga akong dumating upang makisalamuha sa mga kamag-anak naming agad-agad ko namang nakakalimutan ang mga pangalan.
Sa may bandang Libas, sa bayan ng Banga, biglang umarangkada ang bus upang mag-overtake sa isang pampasaherong dyip na hanggang bubong ang sakay.
Sabay naman ang pagsulpot ng isang matuling motorsiklo na mula sa feeder road sa kaliwa.
Nanlaki ang mga mata ng lalaking driver nang makita ang paparating na dambuhalang sasakyan. Hindi nya inaasahan ang panganib na magmumula sa kanyang kanan. Gulat na gulat naman ang angkas nyang babae.
Sinubukang kabigin ng driver ang Ceres habang nakaapak sa preno ngunit sadyang napakalaki ng bus at di maiiwasan ang nakaambang aksidente.
Isang matining na sigaw mula sa nanay na nakaupo sa front seat.
Hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko ang sensasyon nang gulungan ng bus ang alam kong malambot na katawan ng tao.
Bumaba ako ng bus at dumagdag sa lumalaking bilang ng mga taong nag-usyuso. Nasulyapan ko ang dugong kumulay ng pula sa sementadong kalsada.
“Chie!”
Napalingon ako upang hanapin ang pinanggalingan ng pagtawag at nakita ko ang isang babaeng medyo kilala ko. Medyo, dahil hindi ko matandaan ang kanyang pangalan. Naging classmates kami sa ilang mga subjects nung college. Maganda sya at maputi. Mababa lang sya, cute. Ang alam ko malapit lang dito ang bahay nila.
“Uy, kaw pala” nasabi ko na lang habang tinatanong ang sarili ng, ‘No na nga ba pangalan ng babaeng ‘to?
Isa talaga ‘to sa mga weakness ko. Mahina ang memory ko sa mga tao, na di katulad pagdating sa mga lugar na kung saan halos meron akong photographic memory.
“Sakay ka ng Ceres?” tanong nya.
“Oo,” sagot ko habang binaling muli ang atensyon sa mga nadisgrasya. Tumiin upang makakita sa ibabaw ng mga ulo ng mga kapwa miron.
“Sueang kamo it ambulansya. Dali!” sigaw ng isa sa mga taong unang nakalapit sa tabi ng isang nakabulagtang katawan.
Nakita ko ang lalaking nagmaneho ng motorsiklo. Nakakatayo ito at mukhang maayos naman ang kanyang lagay maliban sa mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Tulala sya at parang di pa rin lubos na maintindihan ang mga nangyari. Palagay ko ay tumilapon sya sa nangyaring banggaan. Samantalang, ibang kapalaran naman ang sinapit ng kasama niyang babae. Pumailalim sya sa bus kanina.
“Nakita mo ba yung nangyari?” tanong ko sa dati kong classmate habang nakikipag-gitgitan sa kumakapal na usisero.
Wala akong interes sa morbid na mga bagay. Natural na curiosity lang naman ang nagtulak sa akin. Ni hindi ko rin nga naisip na kumuha ng picture o video gamit ang cellphone katulad ng ginagawa ng ilang taong nandun. Pero nang makalapit na ako at makita ang kalumos-lumos na sinapit ng babae, sana di na lang ako nagpumilit at nakipagsiksikan. Mas mabuti nga at nakabaling ang ulo nya sa kabila at hindi ko nakita ang kanyang mukha. Kung nakita ko ay malamang na sumagi pa ito sa mga panaginip ko. Sigurado akong patay na sya. Walang sinuman ang mabubuhay sa ganoong klaseng kalagayan.
“Ginoo ko! Ginoo ko!” iyak ng isang matandang babae na kararating lang. Nagbigay-daan ang ilang tao upang sya ay makadaan. “Siin eon du ambulansya? Ginoo ko! Hindi guid, hindi guid! Maeuoy ka!”
“Manong! Ano ro natabo?”
Nabigla ako sa pagsigaw sa aking tabi.
“’Nong!” tawag nya ulit sa lalaking nadisgrasya. Mukhang di sya naririnig nito dahil tulala pa rin, kahit nangingilid ang luha sa mga mata.
Nagsimula syang lumapit sa kanyang Kuya ngunit bigla syang napahinto.
“Ma?”
Halos himatayin na sa kakaiyak ang matandang babae. Lumuhod sya sa tabi ng walang-buhay na anak. Hindi nya ito mahawakan na para bang takot na matabing ang mga sugat at lalo pang masaktan ang anak.
“Ma!” tawag nyang muli.
Bigla syang natigilan. Matagal na pinagmasdan ang duguang babae.
Nawalan ng kulay ang kanyang magandang mukha.
Tumingin sya sa akin, nanginginig ang mga labi, at nagsabing, “Ako sya.”
“Ha?”
Sa mga sandaling yon, dun ko napansin ang pagkakahawig nila ng nakahandusay na babae sa kalsada – sa katawan, at pati na rin sa kasuutan. Pareho silang naka-maong na pantalon at dilaw na t-shirt. Nagkulay-maroon na nga lang ang malaking bahagi ng damit ng isang babae dahil sa dugo.
“Ako sya!”
Kinilabutan ako sa mga salitang yon.
“Ako sya!” ulit nya. “Ma, dito ako. Hindi ako yan Ma!”
Ngunit para bang walang ibang nakarinig.
“Hindi ako yan!”
Nagmamadali syang umalis.
“Hindi ako patay!”
Hindi sya napansin nang dumaan sya palabas ng grupo ng mga nagsisiksikang usisero. Animo’y usok ang kanyang katawan, samantalang ako ay muling nakipag-gitgitan.
Lumingon sya bigla at ako’y tinitigan, “Hindi ako yun,” pagmamakaawa nya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin.
Sa huling pagkakataon, tumingin sya sa kumpon ng mga taong nakapaligid sa kanyang ina, kuya, at sa kanyang bangkay. Kasing kulay ng dugo sa semento ang kanyang luha. May dugo ring dumaloy sa gilid ng kanyang mga labi. Di nya ito alintana. Tumakbo sya papalayo, marahil upang takasan ang katotohanan.
Ilang sandali pa ay naglaho sya sa hangin. Ang babaeng ako lang ang nakakita.
ako'y isang coronian mula sa isang isla ng palawan na ngayo'y napadpad sa lalawigan ng aklan, sa bayan na nasasakupan ng mga kalibonhons. nadiskubre ang pagboblog na isang mainam na paraan upang mailabas ang mga ideolohiya, mga kaisipan at damdamin, pati na rin ang mga masasamang hangin mula sa aking sistema. nawa'y makutaw ang inyong imahinasyon sa pagbabasa ng mga nakaposte dito. :]
Handcrafted Dreams
-
Blog URL: http://myhandcrafteddreams.blogspot.com/
Author: Anna Li
Blog Category: Arts & Crafts, Fun & Entertainment, Hobbies & Interests,
Travel & Leisure...
The Big Chefs Visit
-
Eating has been one of the greatest hobbies of Filipinos around the world.
And when we Pinoys are eating, we're likely to talk about food as well. As
for ...
Kapuso stars in Kalibo Ati-Atihan shows
-
BY BOY RYAN B. ZABAL
GMA Network will treat their Kapuso fans in Ati-Atihan Kapuso Night on
January 16 with the star-studded line-up of upcoming telese...
Party Outfit Ideas
-
Whether it's a birthday party, a Christmas party, or a New Year's Eve party*
(I'm definitely looking forward to 2019? Haha!)*, dressing up is the most
fun...
ASSASSIN'S CREED ORIGINS REVIEW
-
Towards the end of one of the missions I was playing, I found out that my
assassination target got hold of one of his enemy’s family. The wife and
the d...
Cubao to Davao
-
After months of just sharing something from somewhere or someone, I write
once again- because this is worth writing about. Last Friday, I took a leap
of f...
Oyster Bay Seafood Restaurant, Mandaue City, Cebu
-
If you’re looking for a restaurant that offers FRESH seafood without having
the need to travel to the seaside, then Oyster Bay Seafood Restaurant is
the...
In The Limelight
-
I just celebrated my (gulp!) 33rd birthday yesterday, and good thing it
wasn’t as depressing as I thought it would be as I didn’t really plan any
celebrat...
Teacher Diaries: Stress
-
I don't accept late papers.
I know that I'm a good teacher and I love what I do but sometimes, i find
myself in a dark place and I just don't care. Para...
CAPUNG
-
CAPUNG
------------------------------
[image: CAPUNG]
*Capung *merupakan hewan serangga yang digolongkan ke dalam bangsa *Odonata*.
Capung berada tidak j...
POINTING SYSTEM (Ting!)
-
Sabi ng kaibigan kong reader ng KBT. *"Pre bakit ganyan ka naman?
Pagkatapos mo kaming pakainin ng masarap mong adobo bigla mo kaming pakaka
inin ng putahe...
SONA, PHILHEALTH AT OFW
-
Ang tinig ni Bb. Jarma Palahuddin ay isang alingawngaw na pumailanlang mula
sa ilang, tungo sa tuwid na daan sa mga nakararaming OFW sa iba't ibang
pa...
They are self-help guide helps you?
-
You understand that you want your lifestyle to improve, to change for the
better. So you go to the bookstore, aim for self-help and self-development
site a...
ONSE-han 4.0, Pumo-photographer Mode
-
Happy New Year! #itsmorefunin2012
It's been a while since any of us posted sa blog na ito, 2010 pa ang huli.
Kaya eto naisipan kong buhayin kahit papano ...
EB in Manila and Singapore
-
HELLLO!!! Kamusta na mga kautak?? Dyos ko pong pineapple juice, halos isang
taon na pala akong walang post. Dyos miyo…pasensya naman medyo hindi ko rin
a...
am i really over you?
-
*am i really over you?im asking myself that this very minute.im also
telling myself that i am,but why can't i be happy?am i really over you?i...
Pagtulog Patungo sa Kabilang Buhay
-
Papalubog na ang araw, nasa harapan ka pa rin ng computer. Ilang araw ka
nang ganito. Parang robot, parang makina. Pagdating galing opisina,
computer pa ri...
-
The newest "bird of flight". This aerodynamic baby can carry a lot of
passengers. Looks can be deceiving as they may say. God is good for giving
me a safe ...