Friday, September 11, 2009

Cory Bread... and Other Brids



Cory's Yellow Ribbon Bread!
May Pacman Bread din nga dito sa Julie's Bakeshop.
Yung hugis boksing gloves.
Natikman nyo na yun?
By the way, nakita nyo yung latest commercial ni Manny?
Yung about sa pinakamatindi nyang kalaban - ang falling hare.
Grabe noh? Iba talaga kung national hero ka,
lahat na lang ng produkto ikaw ang gustong kuning endorser.
Pati pamilya mo damay.
Drenk yur Magnolya melk ferst!
Yes mhem!

Tapos ngayon si tita na naman.
May Cory t-shirt, buttons, accessories, corycong at
kung anu-ano pa na pwedeng pangnegosyo.
Ngayon may tinapay na ring tribute para sa kanya.
Eh sadyang creative talaga ang mga Pinoy.
Si Mar din sana may tinapay ding hugis traysikad bilang
parangal sa honorable nyang pag-atras sa pagtakbo
sa pagka-presidente
sa ngalan ng pagkakaisa.
Si PGMA kaya? hmmm...if she's worthy na magkaron ng
tinapay named after her that is.
Pwede cguro yung nunal noh?
Eh pano ba gumawa ng bread na hugis nunal?
Aba, malay ko. Eh di naman ako panadero.
Si Erap para sa kanyang ginintuan at di-makasariling hangarin ('langheya)
na maging presidente ulit at makapagsilbi sa masa,
wristband na tinapay naman.
Si Eddie Gil, na idol na idol ko, eh pwede cguro
ang peluka-shaped bread.
Im planning to launch a
signature campaign para himukin syang

tumakbo ulit this 2010, to step again into the political limelight.
Bakit? Eh kasi nga aydul na aydul ko sya.
May five signatures na kagad ako sa mga
kasama ko pa lang sa office.



O sya, tama na ang kwentong tinapayan.
Di naman ako bibili ng Cory Bread na to.
Medyo na-curious lang ako konti.
Ang madalas kung bilhin dito sa Julie's eh yung butter bread nila.
Masarap lalo na kung bagong luto.
Two pesos lang ang isa kaya mabentang mabenta.
"Miss pabili nga ng kinseng butter bread."
"Kinse pesos?"

...

"Sabihin mo nga Miss, kung pano magiging 15 pesos eh tig-dos ang isa nito? Hahatiin ba natin? . . . Miss... Miss... Eto naman di na mabiro. O sige, samahan mo na rin ng isang Pacman."




Jawless! Jawless! Jawless bekshop.
Nagabek ng kek, kokess, at iba pang brid..
Kasama ang chess brid, monggo brid, at igg brid.
Jawless! Tralala lalala lala...

-Aling Dioness

7 comments:

Anonymous said...

chie, ang dami mo talagang kalokohan!

Kablogie said...

Yeah! I like that bread..Biruin mo pati sa tinapay nagawan pa si tita cory ng memorabilia! Ang lufet!

DRAKE said...

Ang bagay na tinapay kay Gloria ay isang............PUTOK!! Bakit?Wala lang!hahahha!

mr.nightcrawler said...

ayos ang blog parekoy... at natuwa ako sa mga pictures. haha

ch!e said...

@kablogie
thank you thank you sa pinaka-first at pinaka-unang comment sa blog ko maliban na lng ky anonymous na hindi counted dhil hindi ko kilala kaya nga anonymous.. :D

@drake
thank you sa pangalawa at second na comment ever sa blog ko..hehe

@mr.nightcrawler
thank u sa third comment ('no ba naman to c chie walang masabi. hmp!) .mabuti naman at naaliw ka rin sa pics hehe

Ilocana said...

Di pagbibigay pugay yan,,, ginawang negosyo eh,,hehehe.
Salamat sa dalaw at komento Chie,:)

ch!e said...

@ilocana
parang ganon din nga cguro yon...hehe
salamat dn sa comment at dalaw.