Tuesday, December 22, 2009
Christmas Parti
ang tagal kung hindi nakapost..super busy kasi talaga!
Christmas party namin ngayon sa office kaya wala munang transactions.
MERRY CHRISTMAS sa inyong lahat!!!
In this season of merry making and endless parties, always remember:
"Thou shalt not weigh more than thy refrigerator."
Monday, November 23, 2009
A Sleepless Night
,gud morning po!
----
Gud morning dn =) .tsk..di ako nkatulog kgabi...
----
,bkit?..
----
,baka inlab ka? hehe
----
Haha.. .ganun b un pg nlove?
----
,cguro my iniisip ka kya di ka naka2log..
----
Ahmm...ewan ko .hahaha :)
Nkaranas k n rn b ng ganon? .ung di mka2log s kkaisip?
----
,mnsan..
----
Hmm..cno kya ung iniisip mo?.. :-)
----
;-)
----
Tuesday, November 3, 2009
Pacquiao vs Cotto
When it comes to boxing, especially if it involves the People’s Champ, Manny “Pacman” Pacquiao, everybody has his own opinions. Kahit saan – sa kalsada, palengke, opisina, eskwelahan, at barberya, at kahit sino pa ang iyong tanungin – drivers, tambay, tindero’t tindera, executives, studyante, barbero, lahat ay may sariling kuro-kuro sa nalalapit na laban ng Pambansang Kamao ng Pilipinas at ng Puerto Rican champion na si Miguel Cotto sa November 14 (Nov. 15, Pilipinas time). Sa mga pustahan, llamado pa si Pacman, kahit na sya ang mas maliit sa kanilang dalawa.
Dito sa office, hindi na pinag-uusapan kung sino ang mananalo sa sagupaan. Ang pinagpupustahan na lang ay kung hanggang saan tatagal si Cotto sa ibabaw ng lona.
Ganito ang sistema:
>Kung pupusta ka para kay Pacquiao, kelangan ay matalo na nya si Cotto sa ilalim lamang ng 6 rounds.
>At kung sa kabila ka naman susugal, kelangan ay tumagal si Cotto ng higit sa 6 rounds para manalo.
Kumbaga eh, sure-win na si Pacman! Ganon?!
Marami ang pwedeng maging dahilan ng pagkatalo at panalo ng dalawang boksingero. Inilista ko dito ang posibleng maging reasons. Note: eto ay personal na opinion ko lamang…wag seryosohin.
Why Cotto will win?
- Masyadong naging busy si Manny sa mga movies, tv advertisements at commercials. Pati na rin sa pulitika.
- Cotto is bigger, stronger.
- Pacman trained in
- Cotto also is a pressure fighter and he has this ability to effectively trap or corner his opponents. Delikado dito si Pacman.
- Nasabi ko na ba na mas malaki at mas malakas si Cotto?
- Cotto has much to gain in this fight. Katulad din ni Pacman, marami syang gustong patunayan sa labang ito, matapos na matalo sya sa kauna-unahang pagkakataon sa kamay ni Margarito at sabihin ng marami na di na sya magiging katulad ng dati. Maaaring sya na ang tanghaling pound-for-pound king kung matalo nya dito si Pacman.
Why Pacquiao will win?
- This is Manny's destiny. Kung sakaling manalo sya laban kay Cotto, nakamit na nya ang di pa nararating ng ibang boksingero sa buong kasaysayan ng sports na ito – the only boxer to win 7 belts in 7 weight classes. Mabuti nga at ang isang phenomenon kagaya nya happened to be in our lifetime because Pacquiao is a rare kind of athlete.
- He’s faster than a speeding bullet (parang Superman!). Sabi nga ni Manong Security Guard na nakausap ko (isa ring self-proclaimed expert), of the whole arsenal Pacman has at his disposal, speed is his best weapon. Wala syang katulad sa bilis at ka-partner pa nito ang mataas na porsyento ng accuracy ng kanyang mga suntok.
- He has Freddie Roach, Trainer of the Year. Cotto would be like fighting two men.
- Mahina daw ang depensa ni Cotto. He is also prone to cuts. Cotto may go down bloody.
- Stamina. Cotto tend to go slow on later rounds. Samantalang si Pacman naka-Motolite, tested na pangmatagalan.
- Matapos ang mga kasiraan sa buhay at ari-arian na iniwan ng mga bagyong Ondoy at Pepeng sa ating bansa, kelangan naman natin ng break. (No, not Skyflakes o Kitkat) Kelangan naman nating maaliw, kahit sandali ay makalimot sa mga alalahanin sa buhay, mag-cheer hanggang sa mawalan ng boses, sumuntok sa hangin habang nanonood sa tv, hanggang sa tumaas ang blood pressure. Alam kong alam ito ni Manny. Kelangan ng mga kababayan nya ngayon ng isang inspirasyon, isang maliit na kislap ng pag-asa, at gagawin ng Pambansang Kamao ang lahat upang wag mabigo ang kapwa nya Pilipino.
Alam kong medyo bias ang article na to…eh Pinoy ako eh! (Kung Puerto Rican ako, then I will be rooting for the underdog Cotto..hehe)
Pero tulad nga ng kasabihang, “do not count your chickens before they hatch,” (lalo na kung di ka siguradong chicken…baka ducks ang lumabas) di tayo makasigurong magbubunyi ang sambayanang Pilipino sa Nov. 15. Sabi nga sa mga larong basketbol, “bilog ang bola” at sa patalastas ng Ginebra, “bilog ang mundo.” Marami ang pwedeng mangyari. Opo, posible pong matalo ang ating bayani. We can only pray.
Now, my own predictions for the outcome of the fight:
Pacquiao win via TKO on the 7th round with 7 seconds still remaining to claim his 7th title.
Whew! C’mon, everybody has a right to make his own predictions… and anyone can play boxing analyst paminsan-minsan! :D
Monday, October 26, 2009
You Give Me The Kind of Feeling People Write Novels About 2
Nakita kita kanina.
Ngumiti ka.
Kaya napangiti rin ako.
Kahit na may kumurot sa puso.
Pasensya ka na.
Kung minsan ay umiiwas.
Gusto ko lang makalimutan.
Ang damdaming sa'yo ay naramdaman.
Akala ko madali lang.
Mali ako.
Hanggang ngayon, oo.
I still love you.
Masisisi mo ba ako?
Nahulog ako sa iyo.
Para akong tanga.
Umaasa, kahit na sinabi mong
"wag na."
. . .
Dahil nahihiya akong makita nila.
Basa na naman ang mga mata...
Waaah! Ang cheezy cheezy!
Friday, October 16, 2009
Why I Will Vote For Gloria
1. Cute sya. I think everybody will agree that she’s really adorable. That little munchkin, sarap talaga nyang kurutin.
2. She’s humble and apologetic. She knows how to say “I…am…sorry.” At “I also regret taking so long to speak before you on this matter. I take full responsibility for my actions and to you and to all those good citizens who may have had their faith shaken by these events. I want to assure you that I have redoubled my efforts to serve the nation and earn your trust…” Oh ha?
3. She’s natural. What I mean is that she’s not really vain when it comes to her looks. Ni hindi nga sya gumagamit ng whitening products. {click mo to para makita mo!} And her breast implants? Medical necessity po yon. . . Basta medical necessity, tapus!
4. She was not affected by popularity surveys. E ano ngayon kung mag all-time low? Sabi nga nya eh, “performance is more important than popularity.” Survey survey, hmph…puro naman ka-echuzan yan.
5. Galante sya magpa-dinner. “What? Wine? Then let’s order some wine. Waiter, give my friends some wine here please… No, not Fundador, you fool! We want your most expensive ones.”
6. She doesn’t say bad words in public. Excerpt from SONA: “If you really want something done, just do it. Do it hard, do it well. Don’t pussyfoot. Don't pander. And don’t say bad words in public.” Kaya para sa kanyang mga kritiko, don’t say such things as “P#@ж\*¤Ï†:-)! Patayin ang Gloria-forever Cha-cha!” in a rally tulad ng isang presidentiable-turned-vice presidentiable-dahil nagparaya-kaya-nabadtrip-ang-kanyang-diva-reporter-gf. Pwede namang sabihin yon sa mas marahan na paraan, katulad ng: “Oh my golly shucks! Let’s kill this Gloria-churva-forever Cha-cha! Go!” (teka, ‘no ba ibig sabihin ng pander? at bakit parang bad ang sound ng pussyfoot?)
7. Wala syang nakakainis na political ads na may mga linyang, “Koo-mus-ta?... Anak, itabi mo. Ako na.” At may mga kantang, “Akala mo conyo yun pala mali, akala mo trapo yun pala laking-Tondo. Sige lang sandal ka lang…tiwniwniwniw.” (O baka hindi ko pa napapanood. La kaming cable eh.)
8. She’s a good economist.
Georgetown University, 1964-66, AB Economics; Dean’s Lister
Assumption College, 1968, AB Economics Magna cum Laude
Ateneo de Manila University, 1978, MA Economics
UP School of Economics, 1985, Ph.D. in Economics
Tsinghua University, 2001, Doctorate Degree in Economics, honoris causa
Magaling syang humawak ng pera. Kaya nga lumobo ang yaman ng pamilya nila di ba?
9. Dagdag mo pa na she has a very supportive husband in the person of Atty. Jose Miguel Tuason Arroyo.
10. She was not convicted of plunder. Well, not yet anyway.
. . .
Ahmmm… ’no pa ba?
Hanggang dito na lang muna at baka sumakit pa ang ulo ko sa kakaisip ng iba pang risons.
Thursday, October 8, 2009
Joyce
“’Nang, meron na dito?” tanong ko sa aleng nakaupo sa likod ng front seat.
“Owa ‘to” sabi nya, sabay urong malapit sa bintana. “Sa Balete man lang ako.”
Sa totoo lang, mas gusto ko
Ikinabit ko ang aking earphones at pinatugtog ang Up Dharma Down.
Gaano na nga ba katagal mula ng huli akong dumalaw kina Anti Nita sa Altavas?
Sa may bandang Libas, sa bayan ng Banga, biglang umarangkada ang bus upang mag-overtake sa isang pampasaherong dyip na hanggang bubong ang sakay.
Sabay naman ang pagsulpot ng isang matuling motorsiklo na mula sa feeder road sa kaliwa.
Nanlaki ang mga mata ng lalaking driver nang makita ang paparating na dambuhalang sasakyan. Hindi nya inaasahan ang panganib na magmumula sa kanyang kanan. Gulat na gulat naman ang angkas nyang babae.
Sinubukang kabigin ng driver ang Ceres habang nakaapak sa preno ngunit sadyang napakalaki ng bus at di maiiwasan ang nakaambang aksidente.
Isang matining na sigaw mula sa nanay na nakaupo sa front seat.
Bumaba ako ng bus at dumagdag sa lumalaking bilang ng mga taong nag-usyuso. Nasulyapan ko ang dugong kumulay ng pula sa sementadong kalsada.
“Chie!”
Napalingon ako upang hanapin ang pinanggalingan ng pagtawag at nakita ko ang isang babaeng medyo kilala ko. Medyo, dahil hindi ko matandaan ang kanyang pangalan. Naging classmates kami sa ilang mga subjects nung college. Maganda sya at maputi. Mababa lang sya, cute. Ang alam ko malapit lang dito ang bahay nila.
“Uy, kaw pala” nasabi ko na lang habang tinatanong ang sarili ng, ‘No na nga ba pangalan ng babaeng ‘to?
Isa talaga ‘to sa mga weakness ko. Mahina ang memory ko sa mga tao, na di katulad pagdating sa mga lugar na kung saan halos meron akong photographic memory.
“Sakay ka ng Ceres?” tanong nya.
“Oo,” sagot ko habang binaling muli ang atensyon sa mga nadisgrasya. Tumiin upang makakita sa ibabaw ng mga ulo ng mga kapwa miron.
“Sueang kamo it ambulansya. Dali!” sigaw ng isa sa mga taong unang nakalapit sa tabi ng isang nakabulagtang katawan.
Nakita ko ang lalaking nagmaneho ng motorsiklo. Nakakatayo ito at mukhang maayos naman ang kanyang lagay maliban sa mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Tulala sya at parang di pa rin lubos na maintindihan ang mga nangyari. Palagay ko ay tumilapon sya sa nangyaring banggaan. Samantalang, ibang kapalaran naman ang sinapit ng kasama niyang babae. Pumailalim sya sa bus kanina.
“Nakita mo ba yung nangyari?” tanong ko sa dati kong classmate habang nakikipag-gitgitan sa kumakapal na usisero.
“Hindi eh. Nagmamadali kasi kami ni Manong. Pupunta kaming Kalibo, naospital kasi yung bunso naming kapatid.”
Wala akong interes sa morbid na mga bagay. Natural na curiosity lang naman ang nagtulak sa akin. Ni hindi ko rin nga naisip na kumuha ng picture o video gamit ang cellphone katulad ng ginagawa ng ilang taong nandun. Pero nang makalapit na ako at makita ang kalumos-lumos na sinapit ng babae, sana di na lang
“Ginoo ko! Ginoo ko!” iyak ng isang matandang babae na kararating lang. Nagbigay-daan ang ilang tao upang sya ay makadaan. “Siin eon du ambulansya? Ginoo ko! Hindi guid, hindi guid! Maeuoy ka!”
“Manong! Ano ro natabo?”
Nabigla ako sa pagsigaw sa aking tabi.
“’Nong!” tawag nya ulit sa lalaking nadisgrasya. Mukhang di sya naririnig nito dahil tulala pa rin, kahit nangingilid ang luha sa mga mata.
Nagsimula syang lumapit sa kanyang Kuya ngunit bigla syang napahinto.
“Ma?”
Halos himatayin na sa kakaiyak ang matandang babae. Lumuhod sya sa tabi ng walang-buhay na anak. Hindi nya ito mahawakan na para bang takot na matabing ang mga sugat at lalo pang masaktan ang anak.
“Ma!” tawag nyang muli.
Bigla syang natigilan. Matagal na pinagmasdan ang duguang babae.
Nawalan ng kulay ang kanyang magandang mukha.
Tumingin sya sa akin, nanginginig ang mga labi, at nagsabing, “Ako sya.”
“Ha?”
Sa mga sandaling yon, dun ko napansin ang pagkakahawig nila ng nakahandusay na babae sa kalsada – sa katawan, at pati na rin sa kasuutan. Pareho silang naka-maong na pantalon at dilaw na t-shirt. Nagkulay-maroon na nga lang ang malaking bahagi ng damit ng isang babae dahil sa dugo.
“Ako sya!”
Kinilabutan ako sa mga salitang yon.
“Ako sya!” ulit nya. “Ma, dito ako. Hindi ako yan Ma!”
Ngunit para bang walang ibang nakarinig.
“Hindi ako yan!”
Nagmamadali syang umalis.
“Hindi ako patay!”
Hindi sya napansin nang dumaan sya palabas ng grupo ng mga nagsisiksikang usisero. Animo’y usok ang kanyang katawan, samantalang ako ay muling nakipag-gitgitan.
Lumingon sya bigla at ako’y tinitigan, “Hindi ako yun,” pagmamakaawa nya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin.
Sa huling pagkakataon, tumingin sya sa kumpon ng mga taong nakapaligid sa kanyang ina, kuya, at sa kanyang bangkay. Kasing kulay ng dugo sa semento ang kanyang luha. May dugo ring dumaloy sa gilid ng kanyang mga labi. Di nya ito alintana. Tumakbo sya papalayo, marahil upang takasan ang katotohanan.
Ilang sandali pa ay naglaho sya sa hangin. Ang babaeng ako lang ang nakakita.
“Joyce, anak ko! Huhuhu!” panaghoy ng isang ina.
Naalala ko na ang pangalan nya.