Gin in sachet!?
Woah!
Di nga?
Another innovation na naman sa isa sa paboritong inumin ng mga Pinoy.
Now you can bring your toma anywhere you go. Di pa embarrassing. Kasi kong bote ang dadalhin mo, eh iisipin ng mga tao na isa kang lasenggo. Ngayon, because of its small size, pwede na syang ilagay sa jeans pocket, shorts pocket, breast pocket, brief pocket, at left corner pocket na di sya bubukol which is very unlike the bote kind. So if you start to feel that thirst that can only be quenched by a 90 proof beverage, punitin mo lang ang dulo ng sachet and take a sip! One sachet is equivalent to one ‘tagay’.
How convenient! Perfect for those people on the go!
Dati, di ako umaatras sa anumang drinking session. Mapa-gin man na madalas ay hinahaluan ng Tang na pomelo, lambanog na bubble gum flavor, Kulafu, shoktong, o lady’s drink na beer with Sprite, o kahit na ano pang inumin, cheap man o sossy. Kapag nagkaron ng usapan na merong gathering mamyang gabi, buong araw na itong nasa isip ko. Ina-anticipate ko na ang masayang kwentuhan at biruan, ang bote, ang baso, ang likidong guguhit sa lalamunan, na magpapainit sa tiyan at sikmura. Na tuluyang magpapabagal sa maayos na takbo ng isip at tamang lohika.
Sa totoo lang, masaya rin. At sobrang may bonding (eh isang baso lang ba naman ginagamit nyo). Sa pagpapasa-pasa ng baso (at laway) eh para na rin kayong nag-blood compact. Ang sabi daw, kung gusto mong makilala ng husto ang isang tao,
hintayin mong malasing sya at saka mo tingnan how he or she behaves. Ako, kahit gano pa ko nalalasing noon, hindi kelan man humiwalay sa akin ang matinong ulirat. Conscious ako sa mga nangyayari sa palibot, kaya naman madalas ay nakakaiwas ako sa marami sanang embarrassing at awkward moments.
Minsan, habang naglalakad sa kalye, I happen to pass by a delivery truck na naaksidente. Kumalat sa sidewalk ang mga basag na bote. Nakakauhaw ang amoy ng serbesa. Para akong bampira na nauhaw sa dugo.
I even came to that point when I drink not because of friends and their cheerful company. I drink for the sake of drinking.
I drink just because I want to.
And then, I quit.
That became a consistent response each time na ma-invite ako.
Madalas na akong biruin non ng mga kabarkada ko.
“Chie, bumabait ka na yata.”
Hanggang sa nasanay na rin sila.
“Wag nyo nang pilitin si Ochie, buti nga’t di na umiinom eh.”
I reflected on how I live my life. I asked myself,
“Am I pleasing the One who made me?”
“Sa mga ginagawa kong to, napapangiti ko ba Sya, ang Diyos,
na sa sobrang pagmamahal, ay namatay para sa akin?
Is this how I’m going to pay Him back?”
“Am I obeying Him? Does my lifesong sing for Him?”
I know the answers to my own questions.
May nagtanong dati sakin: Bakit di ka umiinom? Bawal ba sa religion nyo?
Ang sagot ko: Hindi dahil sa religion. It’s a personal conviction.
It is a choice.
Naging better person ba ko when I stopped drinking?
Well, it certainly helped.
Because I cannot start to please Him unless I gave up and surrender
this vice that has a really tight grip on me.
Hindi madali ang humindi. It was such a struggle.
Hindi madali ang tumanggi. But it’s worth it. The rewards are divine.
I Cor. 6:19-20
Do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit,
who is in you, whom you have received from God?
You are not your own; you were bought at a price.
Therefore honor God with your body.
. . .now where is my Tanduay in tetra pak?
dito ko lang yun nilagay kanina ah... whahaha joke! :D