Sunday, February 28, 2010
A Bear's Love Story
May nakakuha na kay Noynoy. Pilit kong hinuli ang kanyang mga mata upang sa gayo’y kahit papano ay maipabatid ko ang aking pamamaalam, ngunit di na nya ako napansin sa sobra nyang pagkagiliw na makalabas. Isa sya sa mga nagsasawa na sa aming kinalalagyan at gustong-gusto nang makita ang kalawakan ng mundo sa labas. Sana ay alagaan sya nang mabuti ng magmamay-ari sa kanya. Kunsabagay, di naman sya mahirap magustuhan. Si Noynoy ay isang cute na Doraemon.
Ako naman ay bear. Hindi, hindi bear ang pangalan ko. Teddy bear ako at ang pangalan ko ay si Chi-chi. Kahit ako man ay gusto ring makaalis sa lugar na ‘to. May ilan sa mga kasama ko ditong laruan na ayaw. Di ko sila maintindihan. Marahil ay natatakot silang tuklasin ang malawak na mundo sa labas. O di kaya’y naging kuntento na sila sa kanilang mga kalagayan.
Nakaramdam ako ng konting inggit habang pinagmamasdan kong hawak-hawak si Noynoy ng nakakuha sa kanya. Gusto kong sumigaw ng, “Ako rin! Kunin nyo ko!” Pero naglaho ang pangarap na yon nang marinig kong sinabi, “Wala na kong pera Kuya Pet”, at “Tara na, Jo!” Para akong maiiyak, pero di yun possible, pagkat ang mga tulad namin ay walang lamang tubig sa aming mga bulak at telang katawan.
Sa totoo lang, marami na ring nagtangkang makuha ako. Siguro nga ay cute din ako. Ahmm, di nga lang ako masyadong sigurado. Ngunit sa bawat pagtatangka na makuha ako, kasunod ay ang pagkabigo, sa kanila at sa aking parte. Pero dahil din sa mga pagkabigo na ito, natutunan kong maging matatag, natutunan kong maghintay na mayroong pag-asa. Sapagkat ang bawat isa sa amin, alam ko, ay darating at darating din ang oras na mapili.
Nung araw na ‘yon, wala namang kakaiba. Medyo konti pa nga ang mga taong sumusubok ng kanilang kakayahan sa makina ng aming hawla. Pero napaka-espesyal ng araw na iyon. Yon ang araw ng kanyang pagdating sa buhay ko.
Sa di na mabilang na pagkakataon, gumalaw ang walang buhay na bakal sa itaas, pagkatapos ay bumaba ito upang pulutin ang hinirang na laruan. Sa pag-akyat nito ay makikita ang isang pink na teddy bear na mahigpit na kumakapit sa makina. Napangiti ako, sabay bugtong-hininga, “Buti pa sya. Maging masaya ka sana sa labas.” Pagdating ng kamay na bakal sa taas, hindi inaasahan ang biglang pag-uyog nito. Nakabitaw ang teddy bear. Mababanaag sa kanyang mukha ang di pagkapaniwala sa nangyayari habang sya ay nahuhulog. Bumagsak sya sakto sa aking harapan. Isa sya sa pinakamagandang bear na nakita ko. Walang pintas na mga tahi at mapupungay na perpektong mga mata. Ang mga naturang mata ay buong araw na nagmasid sa taas, inaasahan ang pagbalik ng kaisa-isang paraan upang makalabas sa kulungang plastik. Ngunit sya ay nabigo. Sa pagsara ng gusali pagsapit ng gabi, ang tanging maririnig na ingay sa kulungang plastik sa dilim ay ang mga tuyong hikbi.
“Hi!” bungad na bati ko sa kanya kinabukasan.
“H…hi din,” mahiyain nyang sagot.
“First time mo?” pangiti kong tanong.
“Ha?”
“Okey lang yan. Ako nga makailang beses na rin na muntik-muntikan na. Hahaha! Wag kang mag-alala, darating din ang araw mo.”
Napangiti ko sya.
“Ako nga pala si Chi-chi.”
“Ako si Kayla.”
Dito nagsimula ang aming pagkakaibigan.
Lumipas ang mga araw at naging mas malapit kami sa isa’t isa. Nadiskubre kong isa syang masayahing laruan. Tinuruan ko sya kung pano pagalawin ang kanyang ilong. Napakahirap nyang turuan pero masaya. Palagi kaming nagkwekwentuhan at madalas ay napag-uusapan namin kung gaano kalawak at kaganda ang mundo at kung anu-ano ang mga balak gawin ng bawat isa sa kanyang paglabas. Lahat ng gusto naming gawin, pagkatapos ay magtatawanan kami sa aming mga naiisip.
“Ang gusto ko sana, paglabas ko, kasama kita. Tapos, gagawin natin ang lahat ng pinapangarap nating gawin sa labas na magkasama,” minsan isang araw nasabi nya. Napatitig ako sa kanya at napaisip, Ano nga naman ang silbi ng mga pangarap kung wala ka namang kasama upang ibahagi ito. Hindi ba mas masaya kung kasama mo, kahit san man kayo mapunta, ang minamahal at nagmamahal sayo? “Ipangako natin sa isa’t isa na magkasama pa rin tayo paglabas natin!” nakangiting sabi ko.
Akala ko, di na matatapos ang mga araw. Akala ko ay habambuhay na kaming magsasama dito sa loob ng aming maliit na mundo. Isang mundo na napapaligiran ng mga batang naghahabulan, maiingay na mga makina, at nagkakalansingang mga barya. Minsan nahiling ko sa Lumikha ng Lahat na sana tumigil na lang ang oras. Ngunit madalas din na sadyang masakit ang mga paraan ng tadhana.
Nangyari yon isang araw, sa gitna ng isa na naman sanang masayang kwentuhan naming dalawa.
“Yan Daddy! Sya yung gusto ko!” narinig kong tinig ng isang batang babae.
Di ko iyon masyadong pinansin, subalit ilang saglit pa ay naramdaman ko ang yakap ng mga brasong metal sa aking malambot na katawan. Napatingin ako saglit kay Kayla sa aking pagkagulat. Pilit ko syang inabot upang isama habang ako’y binubuhat paitaas ng makina, ngunit sobrang mabilis ang mga pangyayari.
“Chi-chi...” Malungkot at nanghihina nyang pagtawag, “Chi-chi!”
“Kayla!” sigaw ko. Sinubukan kong magpumiglas pero wala akong magawa sa mahigpit na pagkakayakap sa kin.
“Kayla!... Kayla!... Kayla!” Ilang ulit ko pang pagsigaw sa ngalan nya. Sigaw na di narinig ninuman. Sigaw na nilamon ng ingay ng mundong dati ay pinangarap.
Ang sabi nila, ang mga katulad namin ay imposibleng lumuha. Di kami katulad ng mga tao. Pero ano itong tubig na mula sa aking mga mata? na bumabasa sa aking braso? Ano itong paninikip ng dibdib na nararamdaman ko?
Sa mga lumipas na mga araw, di sya nawala sa isip ko. Nakikita ko pa rin sya at sa kanyang mga mata ang sakit ng isang iniwan habang ako ay papalayo. Sana ay mapatawad nya ako. Di ko natupad ang pangako namin sa isa’t isa.
Maganda sa labas. Sobra pa sa aming mga imahinasyon. Ngunit napakalungkot. Dahil wala sya.
Naging paborito akong laruan ni Nikka, ang batang nagmamay-ari sa akin ngayon. Palagi nya akong tinatabi sa kanyang pagtulog at ako lang ang stuffed toy nyang di pinapalapitan sa kanyang alagang tuta. Kinakausap nya rin ako minsan. Sumasagot din ako pero di naman yata nya naririnig. Minsan natanong nya sa 'kin, “Bat ka ba malungkot? Ahay…”
“Nikka! May pasalubong ako,” narinig kong tawag kay Nikka isang hapon. Hawak ako, patakbo syang pumunta sa sala. Iniupo nya ako sa sofa.
“Wow! Ang cute nya. Haha! Weeh! Thanks Daddy!”
Itinabi ni Nikka sa akin sa sofa ang pasalubong sa kanya.
“Ayan! Di ka na malulungkot. May kasama ka na ngayon!” natutuwang sabi ng bata sa akin.
Ang mga mapupungay na mga mata na huli kong nakita na puno ng kalungkutan ay puno ngayon ng saya. Siya ang pinakamagandang teddy bear na nakilala ko. Di ko malilimutan ang pinakamatamis na ngiti sa buong mundo na nagmula sa kanyang mga labing sinulid.
“Hi Chi-chi,” bati nya.
Hinding-hindi na kaming muli maghihiwalay.
Naniniwala ka ba sa destiny?
Ako…oo.
*chi-chi
Thursday, February 11, 2010
Agape
ang mabuhay para magmahal...
ang magmahal kahit hindi suklian...
ang magmahal kahit na nasasaktan...
ang magmahal na walang hinihintay na kapalit...
ang magmahal ng hindi nagmamahal sayo...
ang magmahal ng hindi karapatdapat na mahalin...
ang magmahal at kalimutan ang sarili...
ang magmahal at magsakripisyo...
ang magmahal at mamatay dahil sa pagmamahal...
ang post na ito ay ang sagot ko sa tanong ni Lord CM na
Agape love is unconditional love. It is always giving and impossible to take or be a taker. This form of love is totally selfless and does not change whether the love given is returned or not. This is the original and only true form of love.
This is the ultimate kind of love.
This is the love of God.
This love month of February, nobody is 'loveless'.
Remember, you are loved by Someone.
We are an unlovable lot, but He love us still.
Isn't it amazing!?
He loves me so much He died for me.
He loves you so much He died for you.
Monday, February 8, 2010
Oh Angelina
Galing kaming New Washington at binabaybay namin ang Jaime Cardinal Sin Avenue pauwi ng Kalibo ng biglang...
fsssshhhhtttt!!!
Parang wala lang...
pero naflatan kami ng gulong.
Eh tatlo kasi kami sa motor, at ang bibigat pa namin.
Ang kulit kasi eh...sabi nang under pressure yung gulong pero pinilit pa rin.
Habang naghahanap at nagtatanong-tanong sa mga natives sa lugar kung san ang pinakamalapit na 'vulkitan', nakita ko ang creature na to sa kabila ng kalsada. At dahil sa mahilig akong magpipicture-picture kaya heto sya ngayon sa monitor ng computer.
Pero hindi dito nagtatapos ang kwento. Dahil sa maawain ako sa mga living organisms at ayaw ko syang iwan na naka-kadena, hiniling ko sa aking fairy god-lola, na matagal nang wala sa mundong ito na palayain ang living thing. Mabait ang aking fairy god-lola at ako ang paborito nyang apo kaya agad nyang pinagbigyan ang aking hiling. Hindi nya lang pinalaya ang life form, ginawa nya pa itong stuff toy kahit na hindi ko ito hiniling.
Ei naku si god-lola talaga, hindi marunong sumunod sa instructions. Well, hindi ko naman sya masisi, medyo bingi kasi sya ng konti.
Bawal ang mga unggoy, pati na rin ang mga taong-unggoy sa bahay. Magagalit si Nang Bebz, ang landlady namin. Kaya kinunan ko ng separate na apartment si Angelina (after much consultation, eto ang pangalan na binigay sa monkey-monkey). Kumuha din ako ng yaya na mag-aalaga sa kanya. Medyo nai-spoiled na nga ang animal.
(may picture sana dito yung yaya ni Angelina, kaya lang ayaw magpakuha. arte-arte pa. ayaw nya di wag! hmph..)
O nga pala, bawal sa kanya ang saging. Sabi ng doctor meron syang contact allergy. May protein daw sa saging na ang tawag ay chitinase at nagre-react dito ang immune system ni Angelina at nagkakaron sya ng pimples at blackheads. tsk.
Favorite foods nya ngayon ang strawberries, choko-choko at adobong babuy.
Sunday, January 24, 2010
I've started a new blog
Hindi ako pro, at alam ko ring hindi ako magaling sa photography.
Hilig ko lang talaga 'to. Pagpasensyahan nyo na. Walang basagan ng trip .wahaha. :)
pasok dito:
I'm Just Another Noob Photographer™
Wednesday, January 13, 2010
Mambukal
The mountain resort is a showcase of the beauty and wonders of God's creation up on the mountains.
Sumakay kami ng bus para marating ang mabundok na lugar ng Mambukal. Halos 1-hour na ride galing sa city proper. Hindi ko alam kung gaano kami kataas above sea level pero na-experience ko na nag-pop ang tenga ko dahil sa pressure, katulad ng sumasakay sa eroplano (ganon kami kataas!? . .wat!? ..o baka imagination ko lan yun. haha).
Anyway, gutom kaming lahat pagdating dun kaya dumiretso muna sa isang kainan at umorder ng sikat na sikat na chicken inasal ng Bacolod. May iba't ibang klase rin ng isda na pagkatapos mong piliin, saka pa lang nila lulutuin para mainit pa nilang ihahain.
Pagkatapos lumafang, nag-decide kami na umakyat sa bundok para makita ang Mambukal Falls. Sumakit ang tagiliran ko sa kakalakad dahil nga kakatapos lang namin kumain. Mayroon namang footpath, railings at mga tulay na ginawa ang management ng resort para sa convenience ng mga bisita at turista. Mayroon ding Canopy Walk kung trip mo namang maglakad sa hanging bridge na nakakabit sa mga matataas na puno.
After an almost 30 minutes, narating namin ang first basin.
Napag-alaman ko na mayroon palang 5 basins ang Mambukal Falls. (Kaya nga 'falls', kasi marami- plular ba. Kung isa lang, eh di 'fall' lang yun. diba?.. wahaha).
Matapos pa ang mahaba-habang paglalakbay, nakarating kami hanggang sa 3rd basin. Hindi na kami tumuloy pa dahil mas mahirap nang akyatin at mas delikado ang mga sumunod na basins.
Matagal ko nang gustong gawin to- ang mag-wall climbing. At dito sa Mambukal Resort ako nagkaroon ng unang pagkakataon. Yehey!
Para akong bata na nakakita ng bagong laruan.
Nanginginig pa ang tuhod ko dahil sa sobrang pagod sa pag-akyat sa Mambukal Falls. Narating ko ang itaas after mga 1 minute siguro. Pagod pero masaya dahil nalaman ko na kaya rin pala etong gawin ng isang normal na tao .ahaha.
Pagkababa, gusto ko sanang umulit pa. Pero di na natuloy. Gusto na kasing mag- Slide for Life ng mga kasama ko.
Marami pang attractions at activities na pwedeng subukan sa resort. Kulang ang isang araw para libutin at ma-experience lahat ng mga ito.
Siguro, balang araw makakabalik kami dito ulit.
:-)
Tuesday, December 22, 2009
Christmas Parti
ang tagal kung hindi nakapost..super busy kasi talaga!
Christmas party namin ngayon sa office kaya wala munang transactions.
MERRY CHRISTMAS sa inyong lahat!!!
In this season of merry making and endless parties, always remember:
"Thou shalt not weigh more than thy refrigerator."
Monday, November 23, 2009
A Sleepless Night
,gud morning po!
----
Gud morning dn =) .tsk..di ako nkatulog kgabi...
----
,bkit?..
----
,baka inlab ka? hehe
----
Haha.. .ganun b un pg nlove?
----
,cguro my iniisip ka kya di ka naka2log..
----
Ahmm...ewan ko .hahaha :)
Nkaranas k n rn b ng ganon? .ung di mka2log s kkaisip?
----
,mnsan..
----
Hmm..cno kya ung iniisip mo?.. :-)
----
;-)
----
Tuesday, November 3, 2009
Pacquiao vs Cotto
When it comes to boxing, especially if it involves the People’s Champ, Manny “Pacman” Pacquiao, everybody has his own opinions. Kahit saan – sa kalsada, palengke, opisina, eskwelahan, at barberya, at kahit sino pa ang iyong tanungin – drivers, tambay, tindero’t tindera, executives, studyante, barbero, lahat ay may sariling kuro-kuro sa nalalapit na laban ng Pambansang Kamao ng Pilipinas at ng Puerto Rican champion na si Miguel Cotto sa November 14 (Nov. 15, Pilipinas time). Sa mga pustahan, llamado pa si Pacman, kahit na sya ang mas maliit sa kanilang dalawa.
Dito sa office, hindi na pinag-uusapan kung sino ang mananalo sa sagupaan. Ang pinagpupustahan na lang ay kung hanggang saan tatagal si Cotto sa ibabaw ng lona.
Ganito ang sistema:
>Kung pupusta ka para kay Pacquiao, kelangan ay matalo na nya si Cotto sa ilalim lamang ng 6 rounds.
>At kung sa kabila ka naman susugal, kelangan ay tumagal si Cotto ng higit sa 6 rounds para manalo.
Kumbaga eh, sure-win na si Pacman! Ganon?!
Marami ang pwedeng maging dahilan ng pagkatalo at panalo ng dalawang boksingero. Inilista ko dito ang posibleng maging reasons. Note: eto ay personal na opinion ko lamang…wag seryosohin.
Why Cotto will win?
- Masyadong naging busy si Manny sa mga movies, tv advertisements at commercials. Pati na rin sa pulitika.
- Cotto is bigger, stronger.
- Pacman trained in
- Cotto also is a pressure fighter and he has this ability to effectively trap or corner his opponents. Delikado dito si Pacman.
- Nasabi ko na ba na mas malaki at mas malakas si Cotto?
- Cotto has much to gain in this fight. Katulad din ni Pacman, marami syang gustong patunayan sa labang ito, matapos na matalo sya sa kauna-unahang pagkakataon sa kamay ni Margarito at sabihin ng marami na di na sya magiging katulad ng dati. Maaaring sya na ang tanghaling pound-for-pound king kung matalo nya dito si Pacman.
Why Pacquiao will win?
- This is Manny's destiny. Kung sakaling manalo sya laban kay Cotto, nakamit na nya ang di pa nararating ng ibang boksingero sa buong kasaysayan ng sports na ito – the only boxer to win 7 belts in 7 weight classes. Mabuti nga at ang isang phenomenon kagaya nya happened to be in our lifetime because Pacquiao is a rare kind of athlete.
- He’s faster than a speeding bullet (parang Superman!). Sabi nga ni Manong Security Guard na nakausap ko (isa ring self-proclaimed expert), of the whole arsenal Pacman has at his disposal, speed is his best weapon. Wala syang katulad sa bilis at ka-partner pa nito ang mataas na porsyento ng accuracy ng kanyang mga suntok.
- He has Freddie Roach, Trainer of the Year. Cotto would be like fighting two men.
- Mahina daw ang depensa ni Cotto. He is also prone to cuts. Cotto may go down bloody.
- Stamina. Cotto tend to go slow on later rounds. Samantalang si Pacman naka-Motolite, tested na pangmatagalan.
- Matapos ang mga kasiraan sa buhay at ari-arian na iniwan ng mga bagyong Ondoy at Pepeng sa ating bansa, kelangan naman natin ng break. (No, not Skyflakes o Kitkat) Kelangan naman nating maaliw, kahit sandali ay makalimot sa mga alalahanin sa buhay, mag-cheer hanggang sa mawalan ng boses, sumuntok sa hangin habang nanonood sa tv, hanggang sa tumaas ang blood pressure. Alam kong alam ito ni Manny. Kelangan ng mga kababayan nya ngayon ng isang inspirasyon, isang maliit na kislap ng pag-asa, at gagawin ng Pambansang Kamao ang lahat upang wag mabigo ang kapwa nya Pilipino.
Alam kong medyo bias ang article na to…eh Pinoy ako eh! (Kung Puerto Rican ako, then I will be rooting for the underdog Cotto..hehe)
Pero tulad nga ng kasabihang, “do not count your chickens before they hatch,” (lalo na kung di ka siguradong chicken…baka ducks ang lumabas) di tayo makasigurong magbubunyi ang sambayanang Pilipino sa Nov. 15. Sabi nga sa mga larong basketbol, “bilog ang bola” at sa patalastas ng Ginebra, “bilog ang mundo.” Marami ang pwedeng mangyari. Opo, posible pong matalo ang ating bayani. We can only pray.
Now, my own predictions for the outcome of the fight:
Pacquiao win via TKO on the 7th round with 7 seconds still remaining to claim his 7th title.
Whew! C’mon, everybody has a right to make his own predictions… and anyone can play boxing analyst paminsan-minsan! :D
Monday, October 26, 2009
You Give Me The Kind of Feeling People Write Novels About 2
Nakita kita kanina.
Ngumiti ka.
Kaya napangiti rin ako.
Kahit na may kumurot sa puso.
Pasensya ka na.
Kung minsan ay umiiwas.
Gusto ko lang makalimutan.
Ang damdaming sa'yo ay naramdaman.
Akala ko madali lang.
Mali ako.
Hanggang ngayon, oo.
I still love you.
Masisisi mo ba ako?
Nahulog ako sa iyo.
Para akong tanga.
Umaasa, kahit na sinabi mong
"wag na."
. . .
Dahil nahihiya akong makita nila.
Basa na naman ang mga mata...
Waaah! Ang cheezy cheezy!
Friday, October 16, 2009
Why I Will Vote For Gloria
1. Cute sya. I think everybody will agree that she’s really adorable. That little munchkin, sarap talaga nyang kurutin.
2. She’s humble and apologetic. She knows how to say “I…am…sorry.” At “I also regret taking so long to speak before you on this matter. I take full responsibility for my actions and to you and to all those good citizens who may have had their faith shaken by these events. I want to assure you that I have redoubled my efforts to serve the nation and earn your trust…” Oh ha?
3. She’s natural. What I mean is that she’s not really vain when it comes to her looks. Ni hindi nga sya gumagamit ng whitening products. {click mo to para makita mo!} And her breast implants? Medical necessity po yon. . . Basta medical necessity, tapus!
4. She was not affected by popularity surveys. E ano ngayon kung mag all-time low? Sabi nga nya eh, “performance is more important than popularity.” Survey survey, hmph…puro naman ka-echuzan yan.
5. Galante sya magpa-dinner. “What? Wine? Then let’s order some wine. Waiter, give my friends some wine here please… No, not Fundador, you fool! We want your most expensive ones.”
6. She doesn’t say bad words in public. Excerpt from SONA: “If you really want something done, just do it. Do it hard, do it well. Don’t pussyfoot. Don't pander. And don’t say bad words in public.” Kaya para sa kanyang mga kritiko, don’t say such things as “P#@ж\*¤φ:-)! Patayin ang Gloria-forever Cha-cha!” in a rally tulad ng isang presidentiable-turned-vice presidentiable-dahil nagparaya-kaya-nabadtrip-ang-kanyang-diva-reporter-gf. Pwede namang sabihin yon sa mas marahan na paraan, katulad ng: “Oh my golly shucks! Let’s kill this Gloria-churva-forever Cha-cha! Go!” (teka, ‘no ba ibig sabihin ng pander? at bakit parang bad ang sound ng pussyfoot?)
7. Wala syang nakakainis na political ads na may mga linyang, “Koo-mus-ta?... Anak, itabi mo. Ako na.” At may mga kantang, “Akala mo conyo yun pala mali, akala mo trapo yun pala laking-Tondo. Sige lang sandal ka lang…tiwniwniwniw.” (O baka hindi ko pa napapanood. La kaming cable eh.)
8. She’s a good economist.
Georgetown University, 1964-66, AB Economics; Dean’s Lister
Assumption College, 1968, AB Economics Magna cum Laude
Ateneo de Manila University, 1978, MA Economics
UP School of Economics, 1985, Ph.D. in Economics
Tsinghua University, 2001, Doctorate Degree in Economics, honoris causa
Magaling syang humawak ng pera. Kaya nga lumobo ang yaman ng pamilya nila di ba?
9. Dagdag mo pa na she has a very supportive husband in the person of Atty. Jose Miguel Tuason Arroyo.
10. She was not convicted of plunder. Well, not yet anyway.
. . .
Ahmmm… ’no pa ba?
Hanggang dito na lang muna at baka sumakit pa ang ulo ko sa kakaisip ng iba pang risons.